Tirang walang pakinabang

Kailanman hindi mo ginusto ang pag-hihintay
Halos ikabit mo ang hawak mong telepono sa iyong tenga
Mag-panggap lamang na ang hinihintay mo
eh darating pa.

‘tang ina, wala kang ibang magawa
Dahil sa paghihintay mo lang malalaman
Kung bakit hanggang ngayon,
ay nakatayo ka pa rin sa lugar na ‘to
Nananakit ang paa, namumuti ang mga mata
Nag-aabang sa pagdating niya

Sa katunayan eh palagi mong sinusubukang mahuli
pero sa isang buong araw
ang oras at alanganing sandaling ito lamang
ang pinakahihintay mo
Alas singko,

Alas sais, alas siete na.

“Darating pa kaya siya?
Nasa bus na kaya siya,
Naglalakad, kumakain o may biglaang pulong?
Patay na kaya siya?”

Sa buong buhay mo, ni hindi mo magawang
mahintay-hintay ang mga kaibigan mo
O kahit sinong pontio pilato
Ilang minuto lang ay mainit na ang ulo
Itong sandaling ‘to, ba’t ito ang napili ko?

Nagdaan ang ilang oras, naisipang mag-panggap at umusad
“Nasaan ka ngayon?”
Nanginginig sa galit at halos mamatay sa sakit

“Nasa kalsada kasama si Andy.”

Wala ng mas tatagal pa sa paghihintay
sa isang tao na wala man lang ni isang butil na ideyang
pinag-hihintay ka niya.

Tama na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: